From my Xanga Blog (March 2, 2006)

TANONG

Yung tipong pati balanse natatagtag

umiiba ang liko ng tubig

sumasalin sa ibang anggulo ang mga bato.

Pwede nga bang pumihit sa nakasanayan?

lalo na kung may matutuklasan

isang pagkakataong kaipala’y nariyan lang

naghihintay lamang na tanggapin, mabuksan.

Sapat nga bang sabihin na walang permanente?

lahat dapat umiikot, walang humihinto

na sa bawat hakbang at bawat paglinga

may mababago, may mabubuo.

Minsan

sa mga tanong lang din nagkakaroon ng kasagutan

hindi sa lahat ng oras may oo o hindi

kailangang may walang katiyakan.

*just one of those days*

isa lang ang nitityak ko sa ngaun…maswerte ako dahil meron akong IKAW.

10 thoughts on “From my Xanga Blog (March 2, 2006)

  1. praningan portion.. *bow* kaya ako sis kevs nde na ako masyado nag-iisip hehe. dbale andyan naman un mahal mo. solve dba! *AKAP* at andito din kame, ako!

    Like

Leave a comment